Her Name Is Monique

CHAPTER 35: Hinihiling



(Patty)

Ginawa ko ang lahat para mas maging kalmado kahit na sa totoo lang kanina pa nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalamig ang mga iyon maging ang mga talampakan ko. Basa na rin ang mga iyon dahil sa pawis, marahil dahil din sa kaba at iba't ibang emosyon.

Naririto ako sa harap ng gate nila kuya Renz. Hindi ako papasok sa kahit na anong subjects o sadyang wala talaga akong balak pumasok sa school. Paano nga ba ako papasok kung hindi naman ako mapapalagay. Hindi rin ako makakapag- focus sa mga lessons.

Umagang umaga pa lang kanina umalis na ako ng bahay, at heto naririto nga ako sa harapan ng bahay ng mga Dela Vega. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam man lang kela mommy at dad. Para kasing hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, o dapat ba tinanong ko muna sila mommy at daddy?

Gulong-gulo ang isip ko. Sa sobrang daming katanungan na umiikot sa utak ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko.

Alam ko anytime lalabas na si kuya Renz dahil papasok iyon. Panigurado magugulat iyon dahil naririto ako.

Lumakas ang kaba ko ng bigla bumukas ang gate nila. Sumilip mula roon ang isang katulong nila. Napakunot noo ito at sinipat ang aking kabuo-an. 'Di kalauna'y ngumiti rin ito sa akin.

"Ano po ang kailangan ninyo ma'am?", magalang na tanong nito saka binuksan ng mas maigi ang gate.

Napakamot ako sa batok kahit hindi naman iyon makati at alanganing ngumiti dito.

Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Kahit ako kasi hindi ko alam kung bakit nga ba ako naparito. Bumuka ang aking bibig ngunit wala namang lumabas na salita roon. Pilit akong tumawa. Nagtataka naman ito sa aking ikinikilos dahil sa totoo lang mukha na talaga akong ewan dito. "Kaklase ho ba kayo ni sir Renz ma'am?"

Bigla akong nabuhayan ng loob. "O-oho Manang."

Siguro dahil sa suot kong uniform kaya nito naisip na maaaring kaklase ko nga ang amo nito.

Nakita ko naman itong ngumiti ng malapad dahil sa aking sagot. Sinenyasan ako nitong pumasok sa gate ngunit pakiramdam ko namigat ang mga paa ko't hindi ko maihakbang.

Ano ang sasabihin ko kung bakit ako naririto kapag tinanong ako nila kuya Renz or mommy niya na si Tita Kelly or Dad nito na si Tito Miguel?

Ang usapan kasi namin ni kuya Renz ay after school pa ako pupunta dito ngunit napakaaga kong naririto sa bahay nila.

"Naku! Pasensya na madam.", gulat na turan ng kasambahay saka napatakip ito sa bibig gamit ang dalawang palad.

Naguluhan naman ako sa inakto nito.

"Hindi kita nakilala, ikaw po pala iyong nakaraan na dinala na rin ni Sir Renz dito sa bahay nila. Pasensya na po madam.", hinging paumanhin nito.

Napangiti naman ako sa inasal nito. "Wala po iyon Manang.", sagot ko.

"Pasok na ho kayo sa loob ma'am, sakto po nag-aagahan na sila Sir Renz kasama ang daddy at mommy niya."

Nawala ang ngiti sa aking labi. Bumalik ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ng kasambahay nila.

Nakakahiya! Hindi ko alam bakit ba ako pumunta dito ng walang malinaw na sagot sa mga katanungan ko.

Napaatras ako ng mas luwagan pa nito ang gate ng mga Dela Vega at sensyasan akong pumasok.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bulsa ng palda ko.

Mabilis ko iyon kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Nakatulala lamang ako roon habang tinititigan lamang ang screen ng phone ko.

It was mom.

Hindi ko masagot ang tawag nito. Naguguluhan kasi ako. At nasasaktan dahil alam kong may itinatago sila sa akin. Hindi ako tanga para hindi maisip na may mga ginawa sila na hindi maganda ngunit hindi iyon kayang tanggapin ng puso at isip ko.

Mababait sila at mahal nila ako. Iyon ang palagi kong itinatatak sa isip ko kaya't hindi ko matanggap na baka may ginawa silang hindi maganda noon.

"Ma'am? Okay lang ho ba kayo?"

Agaw pansin sa akin ng kasambahay nila kuya Renz.

Tulala akong napaangat ng ulo at tinitigan ito.

"Namumutla ho kayo! Sandali lamang po."

Hindi ko na nagawa pang sumagot ng mabilis itong tumakbo papasok ng bahay ng mga Dela Vega.

Naiwan naman ako roong tulala pa rin saka ibinalik ang tingin sa cellphone ko. Nakapatay na ang screen no'n.

Sunod akong nakatanggap ng mensahe galing pa rin kay mommy.

"Where are you baby? Let's talk please. I will explain it to you... everything. Just please come back home."

Hindi ko alam kung bakit ako napaiyak sa nabasa. Indikasyon ba iyon na totoo ang mga kutob ko? Totoo ba lahat ng mga naiisip ko?

Panigurado nakita na nila ang mga papel at pictures ko noong bata ako na nakasabog sa kama ko.

Hindi ko na iyon nagawa pang ayusin dahil sa gumugulo sa isip ko. Nagmadali na akong umalis ng bahay kanina.

"Patty? What are you doing here?"

Napa-angat ang ulo ko. Kita ko roon si kuya Renz kasama si Tita Kelly at Tito Miguel.

Ngunit nagimbal ako ng bigla mula sa likod nina kuya Renz lumitaw at sumilip si Lina. Gulat rin itong nakatitig sa akin pero 'di kalauna'y ngumisi ito.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Lahat ng gusto kong sabihin, at itanong sana sa kanila. Napakuyom ang mga kamay ko na nasa tagiliran ko.

"Come inside, Patty. Dito ka na mag-almusal tapos sabay+sabay na kayong pumasok sa school nitong sina Renz at Lina.", nakangiting turan ni Tita Kelly.

Hindi ako nakahindi kay Tita Kelly pero sa totoo lang sa ayoko sana.

Muli akong napatingin kay Lina at kitang-kita ko ang walang sound niyang sabi 'Loser' saka ako inirapan. Ngumiti naman agad ito ng bumaling sa kanya si Kuya Renz. Parang libo-libong karayom ang naramdaman kong tumusok sa dibdib ko dahil sa sakit.

"Pasok ka na, Hija.", Tito Miguel said.

"S-sige po.", mahina at pilit ang ngiting sagot ko.

Sumunod na lang ako sa kanila nang pumasok na sila sa loob. Hindi ko mapigilan na titigan sila lalo na nang ngitian at malambing nang mga itong kausapin si Lina. Baka mali lamang ang hinala ko. Ngunit bakit nasa amin ang birth certificate ni Monique?

Wala akong imik at pinakikinggan lamang sila na nag-uusap-usap.

Ano nga kaya ang ginagawa ni Lina roon sa ganito kaagang oras?

"Doon na lamang kayo sumakay, Patty ni Lina sa kotse ni Renz para sabay-sabay na kayong pumasok sa school, okay?"

"Yes, Tita. Salamat po sa breakfast. Nakakahiya naman po."

"Ikaw talaga. Masanay ka na, okay?"

Natigilan ako sa narinig. Masanay ka na? Ano ang ibig sabihin no'n?

"P-pwede po bang maki-CR, Tita Kelly?"

"Of course, Patty.", binalingan nito ang isa sa kasambahay nila. "Manang pakisamahan naman si Patty sa comfort room, please." "Sige po ma'am Kelly. Halina po kayo ma'am Patty.", magalang na imuwenestra nito ang daan.

Sumunod naman agad ako.

"Pasama naman po ako."

Narinig kong turan ni Lina.

Tahimik lamang akong sumunod kay manang tapos saka ko naman naramdaman ang prisensiya ni Lina sa tabi ko.

"And why are you here, Patty?", mahina nitong tanong sa akin upang hindi kami marinig ng kasambahay nila Kuya Renz.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Gusto ko lang makasabay si Kuya Renz."

"At bakit naman? Ang pagkakaalam ko hindi ka naman jowa ni Renz para puntahan pa siya rito."

Maangas na turan nito. Nakita ko sa gilid ng mga mata ako na binalingan ako nito ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin diretso lang ang tingin ko sa daan at kay Manang. Sakto naman na naroroon na kami sa tapat ng Cr. Iniwan na kami ni Manang at nagbigay galang bago kami iniwan. Nauna akong pumasok sumunod naman si Lina. "Bawal na ba? At saka magkaibigan kami ni Kuya Renz. Eh ikaw, bakit ka naririto?", seryosong turan ko saka siya binalingan ng tingin mula sa salamin.

Ngumiti muna ito bago sumagot. "Malapit na kasing i-announce na ako ang nawawalang Monique Dela Vega. You know para hindi na raw ako mailang sa mga susunod na araw." Natigilan ako at napatitig na lang sa reflection nito sa salamin.

"Ooppsss... Hindi mo pa pala alam. Akala ko ba friends kayo ni Renz? But I guess not."

Gusto kong umiyak. Dahil aminin ko man o hindi umasa akong ako si Monique dahil sa nakita kong birth certificate ng dalaga sa bahay.

Ngumisi ito at tinaasan ako ng kilay.

"Bakit umaasa ka ba na ikaw?"

Nagulat ako sa sinabi nito.

"Anong sinasabi mo?"

Tila naman para itong natauhan at iniwasan ako ng tingin.

May alam ba si Lina? Mas lalo yata akong naguguluhan. May kabang namumuo sa dibdib ko. Bakit pakiramdam ko may alam siya. May nalalaman siya.

Tahimik kami pareho na lumabas ng Cr ni Lina. Hindi na ito sumagot pa kanina sa tanong ko.

Nasa sala na kami ng bigla balingan kami niTita Kelly.

"Tamang-tama pala ang pagpunta mo Patty. Iinbitahan na rin kita na pumunta dito mamaya sa bahay after school. Nabanggit ba sa iyo ni Renz?" Nagtaka ako. "Bakit po?", tanong ko saka binalingan ng tingin si kuya Renz.

Wala naman itong sinabi at ngumiti lamang.

"I-a-announce na kasi namin ang masayang balita sa lahat. Dahil finally nakita na namin si Monique. Ang nawawalang anak ko na kambal ni Renz."novelbin

Nakita ko kung paano ngumiti si Lina.

Tama nga ang sinabi nito kanina sa Cr.

Bakit parang gusto kong umiyak. Nasasaktan ako. Naninikip ang dibdib ko. Hinihiling ko kasi na ako na lang sana. Ngunit hindi, at alam kong si Lina nga ang nawawalang si Monique kahit hindi nila sabihin nang direkta.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.