Wish List Number Ten: Love Me Again

Chapter 4



Chapter 4

I JUST need to talk to you one last time, Elle. After this, I swear, I'm going to sign the papers. Pero sa

ngayon, pumunta ka na muna rito. It's an emergency. Something happened and I badly need you.

Ayaw man ni Chryzelle ay hindi pa rin niya napigilan ang mag-alala nang muling sumagi sa isip ang

ipinadalang text message ni Calix. Anim na araw nang hindi nagpapakita ang asawa sa kanya, hindi

tulad noon na para bang customer na ito sa bakeshop niya dahil nakatambay ito roon mula sa

pagbubukas nila hanggang sa pagsasara.

Naipilig ni Chryzelle ang ulo sa naisip bago ipinarada ang kotse sa harap ng bahay na hangga't maari

ay ayaw niya na sanang muli pang balikan. She felt a pang of vulnerability kicked in her chest.

Napatitig siya sa bahay na limang taon niya ring naging tahanan.

"Ipinagawa ko itong bahay walong buwan pagkatapos mo akong sagutin," naalala niyang sinabi ni

Calix noong unang beses siyang dalhin nito roon ilang linggo bago ang kanilang kasal. "I was so sure I

was going to marry you. Pero ngayon na lang ulit ako makakapasok sa bahay mula nang ma-fully

furnished ito. Gusto ko kasing kasama ka. I don't know." Nagkibit-balikat ito. "I just couldn't see myself

without you in this house."

It was a peach-colored two-storey house. Ginintuan naman ang kulay ng mataas na gate. It was

beautiful. May parisukat na swimming pool sa likod ng bahay at meron ding malawak na hardin na

kaagad na bubungad sa mga taong papasok. At the center of the garden was a life-size fountain.

Sagana ang hardin sa mga rosas at orchids na mga paborito niyang bulaklak.

Chryzelle could still remember how breathless she was then. The rest of the house was... perfect.

Hanggang ngayon ay perpekto pa rin para sa kanya ang bahay. Sadyang hindi lang natupad ang

kasiyahang inaasahan niyang mararamdaman sa oras na tumira siya roon.

Lahat ng kagamitan sa buong kabahayan ay halatang sinuring mabuti na nagbigay ng eleganteng aura

sa bahay. Walang duda sa bagay na iyon dahil likas na mayaman ang pamilya ni Calix. He didn't even

have to work. Dahil alam niyang malaking halaga ang iniwan ng ina ni Calix sa trust fund nito. Both of

Calix's parents came from affluent families. Sa pagkakatanda ni Chryzelle ay meron ding bangkong

pagmamay-ari ang pamilya ng kanyang biyenang babae. But the two corporations merged to become

the Ledesma Commercial Banking Corporation now.

Samantalang si Chryzelle ay sa isang maykayang pamilya lang nagmula. Her family was simple.

Pastry chef ang kanyang ina habang architect naman ang kanyang ama na minana rito ng ate niya.

Nakapagtapos silang magkapatid sa pinagsamang pagsisikap ng mga magulang. Pinalad lang siya na

bahagyang kilala na ang kanyang bakeshop at ilan na ang branch niyon nang makilala niya si Calix.

Ubod ng lalim na hininga ang pinakawalan ni Chryzelle bago tuluyang bumaba mula sa kanyang

sasakyan. Dere-deretso na siyang pumasok sa loob. Ang nakangiting mukha ni Matilde na isa sa

tatlong mga kasambahay roon ang bumungad sa kanya sa front door. Ipinagbukas siya nito ng pinto.

"Welcome back, Madam."

Napailing si Chryzelle. "Sandali lang ako rito, Matilde. Kailangan ko lang makausap si Calix." Sinikap

niyang balewalain ang pagkadismayang lumarawan sa mukha ng babae. "Nasaan ba siya?"

"Nasa master's bedroom lang po. Hindi pa siya lumalabas mula kagabi." Pagkabanggit niyon ay

napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon sa mukha ng kasambahay. "Nag-aalala na nga po ako."

"Gano'n ba?" Napasulyap si Chryzelle sa itaas na bahagi ng bahay. "Sige, aakyatin ko na lang."

Paakyat na siya sa hagdan nang matigilan siya. Nagsimula siyang pagpawisan nang malapot. Palaging

ganoon ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita niya ang hagdan na iyon at naaalala ang sakit na

inabot noong nahulog siya roon na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang munting anghel.

She remembered the horrifying feeling that she felt when she saw how blood ran down her legs. She

remembered the fear and the pain. Parang kahapon lang mula nang mangyari iyon. Mariin siyang

napapikit sandali para kalmahin ang sarili, pagkatapos ay halos takbuhin ang hagdan na umakyat.

Get this over and done with, Chryzelle, pagpapaalala niya sa sarili bago nagmamadaling kinatok ang

pinto ng master's bedroom. Ilang minuto pa ay lumabas mula roon si Calix na mukhang pagod na

pagod ang anyo. Nakapantulog pa ito. He was wearing his white pajama terno. Magulo pa ang buhok

at bahagyang nanlalalim ang paligid ng mga mata. Pero sa kabila niyon ay gwapo pa rin ito sa kanyang

paningin.

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay naipilig ni Chryzelle ang ulo. Pilit na pinapormal niya ang

boses nang magsalita. "Ano'ng emergency ba ang sinasabi mo? Sabihin mo na kaagad nang

matulungan na kita para makuha ko na ang annulment papers at nang makaalis na ako kaagad."

"I have cancer."

Simpleng tatlong salita mula kay Calix pero sapat na para pansamantalang tumigil sa pagtibok ang

puso niya.

"THE DOCTOR said that it's an acute lymphocytic leukemia," pagpapatuloy ni Calix bago derektang

tinitigan sa mga mata si Chryzelle habang sa isip ay pilit na inaalala ang mga linyang minemorya niya

noong nagdaang gabi. "Noong nakaraang araw ko lang nalaman. Sa 'yo ko lang sinabi. I... I don't know

what to do."

"C-can I come in?" nanginginig ang boses na wika ni Chryzelle nang sa wakas ay magsalita.

"Sure." Niluwagan ni Calix ang pagkakabukas ng pinto. Sinadya niyang guluhin ang kwarto para mas

makumbinsi ang asawa tungkol sa pinagdaraanan niya.

Naupo si Chryzelle sa gilid ng kama. Sumunod naman si Calix at naupo sa tabi nito pero siniguro

niyang may sapat na distansya sa pagitan nila. He didn't want to ruin the plan by being too clingy,

though he wanted so much to touch her and kiss her right that very minute. Every inch of him was

dying to hold her.

"Are you... s-sure? H-how?" Napahawak si Chryzelle sa noo. "I mean... you've got to be kidding me."

"Cancer isn't something I'll make fun about, Chryzelle."

"Oh, God, Calix."

Pinagmasdan niya ang gulantang na anyo ni Chryzelle. Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilan ang

sariling yakapin ito. He had never seen anyone so beautiful even with the horrified expression on her

face. Nakalugay pa rin ang light brown na alon-along buhok nito na hanggang balikat na lang ang

haba. He had always found her hair... sexy. Parang hinugot naman mula sa manika ang mukha nito.

Bilugan ang light brown ding mga mata ni Chryzelle na tinernuhan ng pilik na kay hahaba at kay

lalantik. Perpekto ang hugis ng maliit pero matangos na ilong nito. Ang mga kilay ng asawa ay natural

ang magagandang arko. And her full, luscious lips were the same lips he had been dreaming to kiss

over the past nights.

Heck, baby, I miss you so damn much.

"My joints always hurt the past few days. Pabalik-balik din ang sama ng pakiramdam ko at pagsusuka

ko. I was feeling really tired and I've lost my appetite." pagre-recite ni Calix sa mga impormasyon na

nagmula kay Derek na ilang sintomas raw ng cancer. "Noong una akala ko, epekto lang iyon ng pagka-

miss ko sa 'yo. Kaya nagulat ako nang magpa-check up ako four days ago at malamang 'yon ang

diagnosis."

"W-where was that?"

"Saint Luke's. Si Derek mismo ang gumawa ng tests sa akin."

Nabigla si Chryzelle.

"But of course, humingi ako ng second opinion mula sa ibang doktor. Pero pareho pa rin ang naging

diagnosis." Tumayo si Calix at kinuha mula sa drawer ang mga pinagawa niya sa Recto na resulta ng

physical exam, blood tests, chest X-ray at bone marrow biopsy. "These are the tests results."

Nanlalambot na inabot ng kanyang asawa ang mga iyon at binasa.

Nakokonsensiyang napahugot si Calix ng malalim na hininga. Alam ng Diyos na ayaw niyang lokohin si

Chryzelle. But he knew he was on the verge of losing his wife completely. Sa tuwing tinititigan niya si

Chryzelle, puno ng hinanakit at pait ang nakarehistro sa mga mata nito. Hindi niya na alam kung ano

ang gagawin para makapasok uli sa buhay nito. Alam niyang punong-puno na ang asawa sa kanya at

wala na siyang ibang paraang maisip.

This whole cancer thing was Calix's only card and he was laying it completely on the table. Isang

buwan lang siyang magpapanggap para muling makuha ang loob nito. Sa kalaunan ay ipapaliwanag

din niya rito ang lahat. Right now, to pretend was the only thing he could do to get near her. Ang mga

bagay na hindi nila nagawa noon ay pipilitin niyang gawin lahat nang kasama ang asawa.

Pagkakasyahin niya ang mga iyon sa loob ng tatlumpung araw.

Tinulungan din siya ni Derek. Ibinigay nito sa kanya ang mga impormasyon tungkol sa isang cancer

patient. Nag-research na rin siya ng iba pang detalye tungkol sa sakit niya. Nag-print siya ng mga iyon

para mas maunawaan at mapag-aralan.

Babawi siya kay Chryzelle sa loob ng isang buwan. Pupunuin niya ng magagandang alaala ang mga

panahong magkakasama sila-kung papayag ito sa hihilingin niya-para kapag dumating ang panahong

kailangan niya nang magpaliwanag rito ay bigyan siya nito ng konsiderasyon kahit paano. O kung

sakali mang tuluyan na talagang makipaghiwalay si Chryzelle sa bandang huli ay wala siyang mas

malaking pagsisisihan dahil nakabawi na siya rito sa sariling paraan, kahit pa mali ang paraang naisip.

"Mahirap daw talagang tukuyin kung paano nagkakaroon ng leukemia ang isang tao. But they told me

that it was probably genetics. My late grandfather died of the same disease," dagdag ni Calix na may

bahid ng katotohanan. Sa takot niyang magkatotoo ang mga sinasabi ay totoo ngang nagpasuri siya sa

kaibigan. But Derek declared he was a hundred percent healthy.

"I'm lost, Chryzelle-" Nabigla si Calix nang lumuluhang sinugod siya ng yakap ng asawa. Napapikit

siya. Her arms would always be his home. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap. "Derek told me

that the number of leukemia cells increases rapidly and that... it usually worsens very quickly."

Dinig na dinig ni Calix ang pag-iyak ng asawa. "C-Can I ask a favor, Elle? Just this one last favor?" NôvelDrama.Org owns all content.

"W-what?" Chryzelle's voice broke.

"Derek told me about the chemotherapy. Pero ayokong sayangin ang araw ko sa ospital sa isang

bagay na wala namang kasiguruhan. Kung magpapa-chemo man ako, gusto kong makaipon na muna

ng sapat na alaala na dadalhin ko habang nagpapagamot. Kaya nakikiusap ako sa 'yo..." Napahugot si

Calix ng malalim na hninga. "Be with me at least for a month. Hindi na kita guguluhin pa pagkatapos. I

will sign the annulment papers as well. I... I just need you right now. Ikaw na lang ang meron ako. Hindi

ko naman maasahan si Papa. And I... I'm scared. I'm so scared to lose you right now, Elle. This is

pathetic. But I've never been this scared in my whole life."

Humiwalay si Chryzelle sa kanya. His jaw clenched upon seeing her tears, sa kaalamang siya na

naman ang may kagagawan ng mga iyon.

Mabining hinaplos ng asawa ang kanyang mga pisngi, pagkatapos ay marahang ngumiti. "Who am I to

say no?" namamaos pang sagot nito. "I promise I'll be with you every single step of the way, Calix.

Kakayanin mo 'yan." Muli siyang niyakap nito. "'Wag kang matakot. I will be by your side. We're in this

together."

Dapat ay matuwa si Calix dahil umubra ang kanyang plano. Pero nang mga sandaling iyon ay parang

binabayo sa sakit ang puso niya. Did he really have to pretend to have a life-threatening disease first

before he could talk to his wife longer, before he could hold her like this?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.